» » » Lagi Lyrics

Lagi Lyrics

Name Taken - Hold On For Your Dearest Life Lyrics

Lagi by BINI




Lagi
Lagi, lagi, lagi nang umaawit

[Verse 1: Aiah, Sheena, All]
Pag-ibig na naman
Ang usap-usapan sa paligid ko (Paligid ko)
Ngunit kung nais mong malaman (Malaman)
'Di naman ako nagrereklamo
At ang katotohana'y 'di ko
'Di ko mapigilang mapangiti na lang minu-minuto (Minu-minuto)
Nakakabaliw na pag-ibig, sigurado nang hindi papayag
Aking pusong mapalayo sa'yo
Oh, baby, baby, baby

[Pre-Chorus: Gwen]
Halika, tara na, sa'n mo ba gustong pumunta?
Sa bundok o dagat ba? Sa mga ulap kaya?
Walang problemang iisipin pa
Kung ikaw naman ang laging makakasama

[Chorus: All, Maloi]
Lagi nang umaawit
Umaawit mula kusina hanggang sa sala
Lagi, lagi
Lagi nang napapasabing
Mahal kita mula umaga, mukhang malala na
Hanggang gabi pauwi
At bago matulog nang mahimbing
Naiisip kita lagi, lagi (Lagi, lagi)
Lagi, lagi (Lagi, lagi)
[Verse 2: Stacey, Mikha]
Pag-ibig nga naman
'Pag ika'y tinamaan, aatras pa ba?
'Kala mo'y 'di kailangan
Ngunit ngayo'y 'di na kayang mag-isa
At t'wing wala sa'yong piling
Telepono ko ay puno ng usapang mahalaga sa'tin
Tipong, "Magandang umaga" o, "Kumain ka na ba?"
'Pag narito ka na'y hindi maalis sa'yo ang aking tingin
Oh, baby, baby, baby

[Pre-Chorus: Jhoanna]
Halika, tara na, sa'n mo ba gustong pumunta?
Sa Luzon, Visayas ba? O Mindanao kaya?
Walang problemang iisipin pa
Kung ikaw naman ang laging makakasama

[Chorus: All, Colet]
Lagi nang umaawit
Umaawit mula kusina hanggang sa sala
Lagi, lagi
Lagi nang napapasabing
Mahal kita mula umaga, mukhang malala na
Hanggang gabi pauwi
At bago matulog nang mahimbing
Naiisip kita lagi, lagi (Lagi, lagi)
Lagi, lagi (Lagi, lagi)
[Bridge: Jhoanna, Maloi]
Ooh, sa'yo lang naramdaman
Ang 'di ko naman hinanap, woah-oh-oh
Oh, ikaw pala ang araw sa likod ng ulap
Ulap, ulap, woah-oh-oh, woah-oh

[Chorus: All, Colet, Gwen, Jhoanna, *Maloi*]
Lagi nang umaawit
Umaawit mula kusina hanggang sa sala
Lagi nang napapasabing
Mahal kita mula umaga, mukhang malala na
Hanggang gabi pauwi
At bago matulog nang mahimbing
Naiisip kita (Naiisip) lagi, lagi (Lagi, woah)
Lagi, lagi, lagi, lagi (*Lagi, lagi*)
Lagi, lagi (Woah, woah, woah-oh)

[Outro: All, Gwen, Colet]
Lagi nang umaawit (Umaawit)
Lagi, lagi
Lagi, lagi, lagi, lagi
Lagi, lagi, lagi, lagi
Lagi, lagi, lagi, lagi




Copyright statement DMCA « Lyrics are property and copyright of their owners. Song provided for educational and language learning purposes