Ngayong Nauna Na Ako
[Chorus:]
Ngayong nauna na ako
Nauna na magaalaga sayo
Ay wag mo nang hayaaang tumabang pa
Ang tamis ng ating nasimulan
Kapwa tayo masaya walang anumang alangan
Wag ka ng magpapasingit sa loob ng damdamin at puso mo
Kung di lang din naman magiging tunay sayo
Ang akin lamang naman, ang akin lamang naman
Ay wag ka ng masaktan syempre pati ako
Verse 1:
Alam mo bang? (para kang ano eh ano parang ahh)
Teka lang nakalimutan ko na di ko matandaan
Ano ba naman to basta yun na yun
Ang laging nais ay makita ka ng mga mata ko na
Para bang mababaliw ako pag hindi ka nakasama kahit 'sang araw
Kaya panay-panay ang dalaw nagbabakasakaling
Mapagtampisaw kita sa aking kaligayahan na mababaw
Halos sagot mo na nga lang ang kulang tapos
Simula na nga dun ang agos papunta sa hantungang
Ayos na sana pero yun lang nga
Merong sumabay, sinasabe nya na din ang sinasabe ko sayo
Di madaling subukin ng tadhana pero
Bakit pa ngayon kung kelan ako natututo
Sa simple at natural lang na pagkaespesyal
Walang anumang ipipilit, ganyan ka kamahal
(Repeat Chorus)
Verse 2: Sadya naman na-ka-ka-ka-lito,
A-a-ano nga ba to, a-a-asa pa ba ako
Sa-sa-sa-sa pa-pa-pa-pag-ibig kong pinakahihintay
Kung kanino mo ba ibibigay
Sa akin sa kanya sa kanya sa akin,
Sabihin mo sakin hindi ko matancha
Hindi ko din naman alam na
Matapos sa'king mga panaginip ay
Naliligaw ka din pala sa mga panaginip niya
Pero mas prinsesa kita
Di na ko papahuli sa pagkakataon na 'to
Lalo na ngayon alam ko't alam mo na ako
Ang nauna
Na-na-natiling nakakapit sa pag-asang ikaw ay akin
Magbago man ang panahon ay
Sa simple at natural lang na pagkaespesyal
Ang siyang sumatutal ng akingpagmamahal.
(Repeat chorus)
Verse 3:
May isa akong pangarap na hinanap
Sa pag gising na pag gising
Ay mahanap ang nag-iisang pangarap
Na babago't na babalot sa kakaibang
Hiwagang tumangay ng dahan-dahan
Sakin palapit sayo at da-dahil dun
Ako ay labis sayo na na-na-nahuhulug ng husto at walang, at walang makapagpapabago
Ng aking nararamdaman
Ewan ko basta pag sayo katiting
Mang bagay sa akin ay humahalaga.
(Repeat chorus)